23/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฑโจ
Binigyang-buhay ng MinSU Agham Pangkaligiran Society (MAPA) ang pagdiriwang ng Earth Day 2026, na may temang โLight, Laugh, Leapโ, sa isang makabuluhan at masiglang araw na nagsilbing paalala sa sama-samang tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang mainit na pagtanggap mula kay Ginang Jaesma Asinas-Lopez โ ang ilaw ng EnviSci, ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang aksiyon para sa kapaligiran. Tuluyang pinasigla ang katawan at diwa sa pamamagitan ng isang Zumba session na pinangunahan nina Wred Gaba at Rhianne De Castro.
Ngunit hindi lamang saya ang hatid ng programa, nagkintal ng kaalaman sa isip ng bawat isa ang isang diskurso sa pangunguna ni Dr. Emelina H. Mandia, kung saan tinalakay ang Mount Halcon. Ito ay isang tahanan ng natatanging saribuhay at ibaโt ibang species ng flora at fauna na patuloy na nangangailangan ng pangangalaga.
Nang dumapit ang hapon, nagpasiklab sa tagisan ng bubot ang bawat lebel, na sumubok sa kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mundo at sa yaman ng Mount Halcon. Sinundan ito ng patimpalak sa pag-arte at ibaโt ibang pampasiglang palaro na naghatid ng halakhak, bago tuluyang igawad ang mga parangal sa mga natatanging kalahok at mga taong nagbigay-buhay sa nasabing programa.
Ang pagdiriwang ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang paanyaya, na sa bawat liwanag na ating sinisindihan, sa bawat halakhak na ating pinagsasaluhan, at sa bawat hakbang na ating tinatahak, ang kalikasan ay patuloy nating pinapangalagaan.