08/05/2026
Title: Alamat ng Akrho sa CatSU
Lyrics By: Mcx Quintal
Verse 1
Sa lupang sinilangan ng matatapang
Sa ilalim ng langit ng Virac na tanglaw
Estadong Unibersidad ng Catanduanes, ating tahanan
Dito nabuo ang samahang pinagtibay ng panahon
Magkakapatid, iisang layunin
Katapangan at dangal, laging dadalhin
Chorus
Alpha Kappa Rho, aming gabay at ilaw
Catsu Main Campus Chapter, laging sumisikat
Katapatan at Serbisyo, aming ipagmamalaki
Dilaw at Asul, kulay na minamahal namin
Mga Skeptron ng Silangan, laging malaya
AKRho, ikaw ay aming sinisinta!
Verse 2
Sa paglipas ng panahon, lalo pang tumatatag
Talino at galing, sa puso’y nakatanim
Apoy ng pag-asa, sa dibdib naglalagablab
Para sa katarungan at kapayapaan
Magkahawak-kamay, hindi maghihiwalay
Sa tuwing may nangangailangan, kami ay naka agapay
Bridge
Mula kabundukan hanggang sa karagatan
Ito ang aming ipamamana sa mga kabataan
sa Dios, sa Bansa, sa Pamilya at sa iskwela
Alpha Kappa Rho, tagumpay ay naka tanim na!
Chorus
Alpha Kappa Rho, aming gabay at ilaw
Catsu Main Campus Chapter, laging sumisikat
Katapatan at Serbisyo, aming ipagmamalaki
Dilaw at Asul, kulay na minamahal namin
Mga Skeptron ng Silangan, laging malaya
AKRho, ikaw ay aming sinisinta!
Outro
Catsu Main Campus Chapter!
Catanduanes Skeptron!
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
Credits to the editor of this video: Sis Laveigne Matienzo