Catanduanes State University

Catanduanes State University This is the official page of Catanduanes State University. Managed by the Information Unit, we bring you the latest updates and news about CatSU.

The Catanduanes State University is a public tertiary school in the Philippines, providing higher technical and professional education.

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating inaalala ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paninindigan para s...
30/08/2026

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating inaalala ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paninindigan para sa kalayaan ng ating bayan.

Sa kanilang mga sakripisyo, may kasaysayang nabuo. Sa kanilang tapang, may kalayaang minana natin.

Ang pag-alala sa kanila ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi pagkilala sa halaga ng kalayaang ipinaglaban nila.

Saludo sa mga bayani ng bayan. Hindi sila malilimutan.

Pinondohan ng APEC ang paglahok ni Ali sa pagsasanay, na isinagawa sa ilalim ng Institute of APEC Collaborative Educatio...
28/08/2026

Pinondohan ng APEC ang paglahok ni Ali sa pagsasanay, na isinagawa sa ilalim ng Institute of APEC Collaborative Education (IACOE) na nagtipon ng mga kabataang lider at aspiring entrepreneurs mula sa iba’t ibang bansang kasapi ng APEC.

Layunin ng programa na palakasin ang kasanayan ng mga kabataan sa pagnenegosyo, inobasyon at pamumuno, partikular sa pagbuo ng mga inisyatibang tumutugon sa mga suliraning panlipunan.

Bago mapili sa programa, inendorso ang nominasyon ni Ali sa Commission on Higher Education (CHED) ng Center for International Relations, and Continuing Professional Development Services (CIRCPDS), sa pamumuno ni Director Assistant Professor Zyra Mae T. Tumala.

Inirekomenda rin ang kanyang nominasyon ni CatSU President Dr. Gemma G. Acedo.

Sa Seoul, nakipagpalitan si Ali ng ideya at karanasan sa mga kabataang lider at aspiring entrepreneurs mula sa iba't ibang bahagi ng APEC, kabilang ang mga usapin sa sustainable social entrepreneurship at mga inobasyong maaaring magkaroon ng positibong epekto sa komunidad.

28/08/2026
π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Isinagawa ngayong araw, Agosto 27, sa CatSU Gymnasium ang oryentasyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng K...
27/08/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Isinagawa ngayong araw, Agosto 27, sa CatSU Gymnasium ang oryentasyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Kolehiyo ng Pang-industriyang Teknolohiya (CIT).

Malugod na tinanggap ng buong hanay ng mga g**o at kawani ng CIT, sa pangunguna ng kanilang dekano, Dr. Edwin T. Romero, ang mga bagong CITzens bilang opisyal na bahagi ng pamilyang CIT at sa pagsisimula ng kanilang buhay-kolehiyo.

Batay sa tala ng Tanggapan ng Serbisyong Admisyon at Rehistrasyon o OARS, ang CIT ang may pinakamalaking populasyon ng mag-aaral sa lahat ng kolehiyo ng CatSU ngayong Taong Panuruan 2026–2027, na may kabuuang 2,872 mag-aaral.

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | 2026 General Orientation and Student Excellence Recognition ng College of Agriculture and Fisheries (CAF), Ago...
27/08/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | 2026 General Orientation and Student Excellence Recognition ng College of Agriculture and Fisheries (CAF), Agosto 25 sa CatSU Gymnasium

Batay sa pinakabagong tala ng EduRank, nasa ika-4,084 sa Asya at ika-10,242 sa buong mundo ang CatSU.Kung pagbabatayan n...
27/08/2026

Batay sa pinakabagong tala ng EduRank, nasa ika-4,084 sa Asya at ika-10,242 sa buong mundo ang CatSU.

Kung pagbabatayan naman ang pambansang ranggo ng mga pamantasang nakabase sa Bicol Region na kasama sa talaan ng EduRank, ang CatSU ay nasa ika-5 na puwesto. Gayunman, mahalagang linawin na hindi ito opisyal na regional ranking ng EduRank kundi paghahambing batay sa Philippine ranking ng mga pamantasang mayroong kaukulang EduRank listing.

Sinusukat ng EduRank ang mga pamantasan batay sa research performance, non-academic prominence, at alumni impact. Sa research profile ng CatSU, nakapagtala ang unibersidad ng 33 scientific publications at 35 citations sa database na ginagamit ng EduRank.

Saklaw ng research profile ng CatSU ang iba’t ibang larangan, kabilang ang Liberal Arts and Social Sciences, Business, Environmental Science, Computer Science, Biology, Engineering, Ecology, Communications and Public Relations, Management Information Systems, at Development Studies.

Pabatid mula sa Tanggapan ng mga Operasyon ng Pangnegosyo ng Korporasyon o CBO
27/08/2026

Pabatid mula sa Tanggapan ng mga Operasyon ng Pangnegosyo ng Korporasyon o CBO

Para sa mga naghahanap ng trabaho, sa loob man o labas ng bansa, makiisa sa PESO San Andres Job Fair 2026 bukas, Agosto ...
27/08/2026

Para sa mga naghahanap ng trabaho, sa loob man o labas ng bansa, makiisa sa PESO San Andres Job Fair 2026 bukas, Agosto 28, 2026.

π—”π—§π—§π—˜π—‘π—§π—œπ—’π—‘, 𝗝𝗒𝗕 π—¦π—˜π—˜π—žπ—˜π—₯𝗦! 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 𝗑𝗔 𝗕𝗔 π—žπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗠𝗔-π—›π—œπ—₯π—˜π——?

TARA NAAAAA! πŸ’ΌπŸ™Œ Narito na ang mga π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ AT π—’π—©π—˜π—₯π—¦π—˜π—”π—¦ JOB VACANCIES para sa PESO SAN ANDRES JOB FAIR 2026! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒ

π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ 𝗝𝗒𝗕 π—©π—”π—–π—”π—‘π—–π—œπ—˜π—¦:
https://www.facebook.com/share/p/1BmrRNcrgH/

π—’π—©π—˜π—₯π—¦π—˜π—”π—¦ 𝗝𝗒𝗕 π—©π—”π—–π—”π—‘π—–π—œπ—˜π—¦:
https://www.facebook.com/share/p/18jJwD24TN/
https://www.facebook.com/share/p/1HDtDmhCXZ/
https://www.facebook.com/share/p/19EFy68gpQ/

πŸ“… AUGUST 28, 2026
πŸ•— 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ SAN ANDRES MULTI-PURPOSE COVERED COURT

TARA NA! MAG-APPLY NA! MAGPA-INTERVIEW NA! AT SINO ANG SUSUNOD NA MA-HIRED ON THE SPOT? BAKA IKAW NA ’YAN!

Nakiisa ang mga mag-aaral at empleyado ng Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes sa 'Mass of the Holy Spirit' na gina...
26/08/2026

Nakiisa ang mga mag-aaral at empleyado ng Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes sa 'Mass of the Holy Spirit' na ginanap nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 26, 2026, sa Ground Floor Lobby ng CatSU Administrative Building, kung saan pinangunahan ito ni Rev. Fr. Stephen Gorecho.

Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagtatamo ng diploma o paghahanda para sa trabaho, kundi dapat humantong sa tun...
26/08/2026

Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagtatamo ng diploma o paghahanda para sa trabaho, kundi dapat humantong sa tunay na layunin ng buhayβ€”ang makilala, mahalin, at paglingkuran ang Diyos.

Ito ang mensahe ni Rev. Fr. Stephen Gorecho sa mga mag-aaral at empleyado ng Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes (CatSU) sa kaniyang homiliya sa β€˜Mass of the Holy Spirit’ na ginanap nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 26, 2026, sa Ground Floor Lobby ng CatSU Administrative Building.

Ayon kay Fr. Gorecho, mahalagang makita ang edukasyon bilang bahagi ng mas malawak na paglalakbay ng tao. Kasabay ng pag-aaral at pagtatapos ang paghahanap ng trabaho, pagbuo ng pamilya, pagkakaroon ng mga anak at apo, hanggang sa huling yugto ng buhayβ€”ang kamatayan.

β€œDito sa mundo, walang forever. Everything has an end,” sambit niya.

Binigyang-diin din ni Fr. Gorecho ang kahalagahan ng pangalan ng bawat tao. Aniya, ang pangalang nakasulat sa identification card ay hindi lamang simpleng pagkakakilanlan. Ito rin ang pangalang ginamit sa binyagβ€”isang paalala na ang bawat isa ay anak ng Diyos, tagapagmana ng langit, at tinatawag na makapiling Siya.

β€œBecause that name will always remind you, you are a child of God,” ani Fr. Gorecho.

Ipinaalala rin niya na ang Banal na Espiritu ay patuloy na gumagabay at nagbibigay-lakas sa tao upang maisabuhay ang tunay na layunin ng kaniyang buhay. Kaugnay nito, binanggit niya ang pitong kaloob at mga bunga ng Banal na Espiritu bilang gabay sa pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang β€˜Mass of the Holy Spirit’ ay sinabayan ng mga panalangin para sa deliverance at consecration, gayundin ng pagbabasbas gamit ang banal na tubig sa lahat ng dumalo.

Address

Calatagan
Virac
4800

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639690259166

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catanduanes State University posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Catanduanes State University:

Share