Departamento ng Filipino CLA WMSU Official

Departamento ng Filipino CLA WMSU Official Pampahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao
Kolehiyo ng Malalayang Sining
Departamento ng Filipino

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโ€Žโ€ŽMatagumpay na naidaos ng Kapisanang Filipino mula sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo...
31/08/2025

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
โ€Ž
โ€ŽMatagumpay na naidaos ng Kapisanang Filipino mula sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ€
โ€Ž
โ€ŽMula sa pagbubukas nito noong 4 Agosto 2025 kung saan ibinalandra ng naging panauhing pandangal ang kagandahan ng kurso at wikang Filipino. Samantala, naging maayos din ang pagsasagawa ng iba't ibang patimpalak noong 28 ng Agosto araw ng Huwebes, kung saan lumahok at nagpamalas ng angking kahusayan ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang Departamento at kolehiyo ng WMSU.
โ€Ž
โ€ŽSa pagtatapos ng selebrasyong ito ay ginanap ang isang marangal na pampinid, ginawad ang mga sertipiko at taos-pusong pinasalamatan ang lahat ng mga nakibahagi at nakiisa sa matagumpay na pagdiriwang na ito. Pinasalamatan din ang napakaaktibo at mahusay na tagapayo ng KAFIL na si Gng. Ferdausia R. Salem at Tagapangulo ng Departamento ng Filipino na si Dr. Vilma L. Pahulaya.
โ€Ž
โ€ŽTaos-pusong nagpapasalamat ang opisyales ng Kapisanang Filipino sa pangunguna ng pangulo nitong si Bb. Andrea S. Pasumala sa pagtangkilik sa paggunita ng paglulunsad sa ating wikang Pambansa, makasaysayan sa pagkakaisa ng bansa.

ang Wikang Pambansa
ang Wikang Filipino

Magdiwang, BS Filipino Class of 2025!Ngayon ang inyong araw para magdiwang! Ipagbunyi ang bawat puyat, bawat aral, at ba...
27/05/2025

Magdiwang, BS Filipino Class of 2025!

Ngayon ang inyong araw para magdiwang! Ipagbunyi ang bawat puyat, bawat aral, at bawat tagumpay. Kayo ang aming inspirasyon, ang aming pag-asa, at ang aming patunay na ang pagmamahal sa sariling atin ay hindi kailanman magiging "lang."

MABUHAY FILJORSโœจ

Mabuhay Filjors! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ Isinagawa ng Departamento ng Filipino ang isang Training-Workshop para sa mga mag-aaral ng BS Fili...
25/01/2025

Mabuhay Filjors! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

Isinagawa ng Departamento ng Filipino ang isang Training-Workshop para sa mga mag-aaral ng BS Filipino 4A bilang paghahanda sa kanilang mga magiging propesyon. Layunin nitong paghusayin ang kanilang mga kasanayan at palawakin ang kanilang kaalaman.

Ang mga naging tagapagsalita at tagapagsanay sa Training-Workshop 2025 na may temang "BS FILIPINO IV: PAG-IMBULOG TUNGO SA PROPESYONG MAKABANSA AT PANDAIGDIGAN" ay pinangunahan ni Dr. Noel T. Tarrazona na may paksa na "Pamamaraan sa Pagbabalita" at sinundan ni Dr. Cheryl P. Barredo na may paksang "Paghahanda ng Banghay-Aralin at mga Estratehiya sa Pagtuturo" na tinalakay sa unang araw ng training-workshop 20 Enero 2025. Para naman sa pangalawang araw 21 Enero 2025, ito ay pinangunahan ni Dr. Analyn D. Saavedra na may paksang " Ethics for Research Teachers" at sinundan naman ito ni Ms. Darea Jonnah B. Siloterio na may paksang "Public Servant?". At para naman sa pangatlo at huling araw ng training-workshop 22 Enero 2025 ang tagapagsalita ay si Asso. Prof. Rodney I. Ebrole na may paksang patungkol sa "Kahulugan, Diskurso at Rehistro ng Pagsasalin".

Bukod tanging pasasalamat sa mga fakulti na siyang naging bahagi rin ng Training-Workshop na ito, Dr. Vilma L. Pahulaya, Dr. Aubrey F. Reyes, Dr. Felixberto C. Labastilla at Asso. Prof. Edilyn A. Jainal.

Muli maraming salamat! At pagbati para sa BS FILIPINO 4A para sa matagumpay na pagdaos ng kanilang Training-Workshop! โœจ

Words by: Nika M. Ramillano
Edit: Krisha Balosbalos

Mabuhay! Isang malugod na pagbati sa ating dalawang respetadong G**o, sa pagpasa ng  Licensure examination for Teacher. ...
19/12/2024

Mabuhay!

Isang malugod na pagbati sa ating dalawang respetadong G**o, sa pagpasa ng Licensure examination for Teacher. Tunay nga ang sumusubok ay siyang nagwawagi.

Ang tagumpay na pagpasa ninyo sa Licensure Examination for Teachers ay isang karangalan para sa buong departamento, ang inyong sipag ay nagbunga na. Ipinamalas ninyo ang inyong galing, husay, at talino.

Sa wakas ang inyong mga dasal, puyat, pagod, at iyak ay napalitan ng tuwa at galak. Nakamit na ninyo ang hinahangad ninyong lisensya bilang isang propesyunal na g**o.

Muli, pagbati sa po sa inyo.!

19/12/2024
๐“˜๐“ผ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฝ๐“ช๐“ธ๐“ผ-๐“น๐“พ๐“ผ๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ ๐“ผ๐“ช ๐“ฒ๐“ท๐”‚๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“ฝ๐“ช๐“ฐ๐“พ๐“ถ๐“น๐“ช๐”‚! Ang inyong ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™‡๐™ž๐™˜๐™š๐™ฃ๐™จ๐™ช๐™ง๐™š ๐™€๐™ญ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™‹๐™ง๐™ค๐™›๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™๐™š๐™–๐™˜๐™๐™š๐™ง๐™จ ...
16/12/2024

๐“˜๐“ผ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฝ๐“ช๐“ธ๐“ผ-๐“น๐“พ๐“ผ๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ ๐“ผ๐“ช ๐“ฒ๐“ท๐”‚๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“ฝ๐“ช๐“ฐ๐“พ๐“ถ๐“น๐“ช๐”‚!

Ang inyong ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™‡๐™ž๐™˜๐™š๐™ฃ๐™จ๐™ช๐™ง๐™š ๐™€๐™ญ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™‹๐™ง๐™ค๐™›๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™๐™š๐™–๐™˜๐™๐™š๐™ง๐™จ (๐™‡๐™€๐™) ay hindi isang maliit na hakbang, kundi isang napakalaking tagumpay na nagsasalamin ng inyong masigasig na pagnanais, dedikasyon, at malasakit sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga susunod na henerasyon. Nawaโ€™y maging daan ito upang magpatuloy kayong magsilbi bilang inspirasyon.

Ang pag-abot sa inyong pangarap na maging isang propesyunal na g**o ay isang kwento ng hindi matitinag na pagsusumikap.

Pinagdaanan ninyo ang mahahabang oras ng pag-aaral, sakripisyo, at minsan ay mga pagdududa, ngunit lahat ng ito ay nagbunga ng tagumpay. Ang bawat aral na natutunan ninyo, bawat pagsubok na nalampasan, at bawat hakbang na ginawa ninyo ay nagdala sa inyo sa puntong itoโ€”ang makamit ang iyong lisensya bilang isang propesyunal na g**o.

Muli, congratulations! Magpatuloy kayo sa pag-abot ng inyong mga pangarap

๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’Œ๐’‚๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’•!

๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€Y ๐…๐ˆ๐‹๐‰๐Ž๐‘๐’! ๐Ÿฆ…โค๏ธ Isang mainit na pagbati para sa BS FILIPINO 4th year  sa pagkamit ng isang mahalagang tagumpay โ€“ an...
12/12/2024

๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€Y ๐…๐ˆ๐‹๐‰๐Ž๐‘๐’! ๐Ÿฆ…โค๏ธ

Isang mainit na pagbati para sa BS FILIPINO 4th year sa pagkamit ng isang mahalagang tagumpay โ€“ ang matagumpay na pagtatapos ng ๐“๐„๐’๐ˆ๐’ ๐…๐ˆ๐๐€๐‹ ๐ƒ๐„๐…๐„๐๐’๐„! Ang pagsisikap at sakripisyo ng bawat grupo ay lubos na nagantimpalaan. Ang inyong pagtitiyaga at dedikasyon ay nagbunga ng mga kahanga-hangang mga pananaliksik.

Nito lang 11 Desyembre 2024, naganap ang TESIS FINAL DEFENSE ng ๐๐’ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐Ÿ’๐“๐‡ ๐˜๐„๐€๐‘ na naganap sa CLA 13 & 14.

Tesis Final Defense ay isang mahalagang proseso na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipakita ang mga mga bagong pananaliksik at mapaunlad ang kanilang mga kasanayan, makakuha ng pagkilala para sa kanilang pagsisikap.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Departamento ng Filipino sa ating mga Panel Reactor, mga Panauhin, at mga G**o.

Masayang pagbati, 4th year BS FILIPINO, para sa matagumpay sa TESIS FINAL DEFENSE 2024!

Caption by: Nika Ramillano
Photos by: BS FILIPINO 4
Pubmats by: Krisha Balosbalos


๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐…๐ˆ๐‹๐‰๐Ž๐‘๐’! ๐Ÿฆ…โค๏ธSa paglalakbay tungo sa karunungan, ang wika at kultura ay dalawang mahahalagang kasangkapan na nags...
23/11/2024

๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐…๐ˆ๐‹๐‰๐Ž๐‘๐’! ๐Ÿฆ…โค๏ธ

Sa paglalakbay tungo sa karunungan, ang wika at kultura ay dalawang mahahalagang kasangkapan na nagsisilbing gabay at tanglaw. Ang wika, bilang instrumento ng komunikasyon, nagbibigay-daan sa pagbabahagi ng kaalaman at idea.

Samantala, ang kultura ay naglalaman ng mga kaugalian, paniniwala, at sining ng isang lipunan, nagbibigay ng konteksto at pananaw sa pag-unawa ng mga konsepto.

Sa pagsasama ng wika at kultura, nagkakaroon ng mas malalim at mas makabuluhang pag-aaral ng karunungan, na nagbubukas ng daan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagpapalawak ng ating mga pananaw.

Nito lang 22 Nobyembre 2024, naganap ang Kolokyum sa Pananaliksik ng ๐๐’ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐Ÿ’๐“๐‡ ๐˜๐„๐€๐‘ na may temang: "๐–๐ข๐ค๐š ๐š๐ญ ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐š๐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง" na naganap sa CLA 13 at 14.

Ang Kolokyum sa pananaliksik ay isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na ipamahagi ang mahahalagang impormasyon at mga natuklasan kaugnay sa kanilang mga pag-aaral na mayroong makabuluhang kontribusyon sa larangan.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Departamento ng Filipino sa ating mga Panel Reactor, mga Panauhin, mga G**o, at mag-aaral ng BS Filipino 3.

Masayang pagbati, 4th year BS FILIPINO, para sa matagumpay na Kolokyum sa Pananaliksik 2024!

Caption by: Maira Askalani
Photos by: BS FILIPINO 4
Pubmats by: Krisha Balosbalos

#๐Š๐จ๐ฅ๐จ๐ค๐ฒ๐ฎ๐ฆ๐ฌ๐š๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’
#๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

Come and join us as we gather to share fond memories and celebrate the remarkable milestones of CLA. Let's take a moment...
18/09/2024

Come and join us as we gather to share fond memories and celebrate the remarkable milestones of CLA. Let's take a moment to reflect on our journey, reliving the special moments that have shaped our experiences together. This is an opportunity to connect, honor our achievements, and look forward to the future with gratitude and excitement. Your presence will make this celebration even more meaningful!

CLA ALUMNI REGISTRATION LINK PACKAGE:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfnKIrt5kEBKQDBoyillWhZDxJT43QszhlBCKMZJWWVk-eaGw/viewform?fbclid=IwY2xjawFXjQ1leHRuA2FlbQIxMAABHQxWLyDZSwhh3wHWgmw3hEUAknaJhXyEp2nMcyDcTxAqAkr1Ane19Sw-7w_aem_X4ZxxLaufCV1Ptz5lnknnQ

REGISTRATION LINK FOR SONG WRITING COMPETITION:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfUi1VsiUiRfZt-pd4AQ7qlq4dX779GXCV75FTDRjJ823CLBg/viewform?fbclid=IwY2xjawFXjW5leHRuA2FlbQIxMAABHZ_vK96qGUQJ5SkZq56elSf7Fi0w3DnV9n2nSXllJIZD1v7cXjVW6umYpA_aem_Wkcvv2th3N4bbKZQ0Gt3kw

Come and join us as we gather to share fond memories and celebrate the remarkable milestones of CLA. Let's take a moment to reflect on our journey, reliving the special moments that have shaped our experiences together. This is an opportunity to connect, honor our achievements, and look forward to the future with gratitude and excitement. Your presence will make this celebration even more meaningful!

CLA ALUMNI REGISTRATION LINK PACKAGE:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfnKIrt5kEBKQDBoyillWhZDxJT43QszhlBCKMZJWWVk-eaGw/viewform

REGISTRATION LINK FOR SONG WRITING COMPETITION:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfUi1VsiUiRfZt-pd4AQ7qlq4dX779GXCV75FTDRjJ823CLBg/viewform

JOIN OUR CLA @50 SONG WRITING COMPETITION!THEME: CLA @50: Celebrating a Milestone of Remarkable Achievements in the Home...
13/09/2024

JOIN OUR CLA @50 SONG WRITING COMPETITION!

THEME: CLA @50: Celebrating a Milestone of Remarkable Achievements in the Home of the Champions

See the Competition Mechanics and Prizes Below!

REGISTRATION LINK FOR COMPETITION:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfUi1VsiUiRfZt-pd4AQ7qlq4dX779GXCV75FTDRjJ823CLBg/viewform?usp=send_form

CLA ALUMNI REGISTRATION LINK PACKAGE:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfnKIrt5kEBKQDBoyillWhZDxJT43QszhlBCKMZJWWVk-eaGw/viewform?fbclid=IwY2xjawFMi7RleHRuA2FlbQIxMAABHQrtQgjIHj6ssRv_rehMTGx4cORpiajXIMyoC7rMbgYNb0_1ZwTh_Fv-GQ_aem_cqWo_KiqHB4NFMGxrhe0Wg

JOIN OUR CLA @50 SONG WRITING COMPETITION!

THEME: CLA @50: Celebrating a Milestone of Remarkable Achievements in the Home of the Champions

See the Competition Mechanics and Prizes Below!

REGISTRATION LINK FOR COMPETITION:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfUi1VsiUiRfZt-pd4AQ7qlq4dX779GXCV75FTDRjJ823CLBg/viewform?usp=send_form

CLA ALUMNI REGISTRATION LINK PACKAGE:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfnKIrt5kEBKQDBoyillWhZDxJT43QszhlBCKMZJWWVk-eaGw/viewform

Address

Normal Road, Baliwasan Zamboanga City
Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Departamento ng Filipino CLA WMSU Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Departamento ng Filipino CLA WMSU Official:

Share