12/06/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฎ๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป! ๐ต๐ญ
Sa mahalagang araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kalayaang nakamit sa pamamagitan ng dakilang pagbubuwis, pagmamahal, at katapangan ng ating mga bayani. Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, isapuso nawa natin ang pagiging maka-Diyos, makabansa, makatao, at makakalikasan na lubos na kailangan sa pag-unlad ng ating bansa.
Magkaisa tayo at harapin nang may bukas na isipan at pagkamatarungan ang mga hamon na kinakaharap ng ating Inang Bayan sa kasalukuyan. Ang araw na ito ay hindi lamang sumasagisag sa pagkamit ng kasarinlan mula sa mga mananakop, kundi nagsisilbi ring paalala ng patuloy na adhikain para sa katarungan, dignidad, at isang mas maayos na kinabukasan para sa bawat mamamayan. Isang bayang tunay na malaya ay yaong ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataon โ hindi lamang ang iilan.
Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraanโito ay panawagan upang kumilos para sa mas mabuting Pilipinas ngayon at para sa mga susunod na henerasyon.
Mabuhay ang Pilipinas, at mabuhay ang bawat Pilipinong nagmamahal sa kanyang bayan!